Kuya Germs nakalabas na ng ospital, pero…

german moreno
Nakauwi na sa kanilang tahanan si Kuya Germs (German Moreno) matapos ang mahigit dalawang linggong pagkaka-confine sa ospital dahil sa mild stroke.

Noong Sabado na-discharge sa hospital ang TV host-comedian-talent manager. Ayon sa ulat sa bahay na ipagpapatuloy ang paggamot kay Kuya Germs.

Though maayos na ang kundisyon nito ngayon, kailangang tuluy-tuloy pa rin daw ang therapy sa kanya. At hiling ng pamilya ng komedyante-TV host na ipagpatuloy pa rin ang pagdarasal para sa tuluyang paggaling nito.

Nagpapasalamat din sila sa mga kaibigan at kasamahan sa showbiz ni Kuya Germs na isinama talaga siya sa mga dasal lalo na nu’ng dumalaw sa bansa si Pope Francis.

Samantala, hindi pa sigurado ang pamilya ni Kuya Germs kung dadalhin pa siya sa Amerika para doon tuluyang magpagaling.
Sana nga ay tuluy-tuloy na ang paggaling ni Kuya Germs para maipagpatuloy na niya ang pagpapasaya sa mga manonood.

Read more...