SPURS DINUROG ANG JAZZ; RAPTORS SILAT SA PELICANS | Bandera

SPURS DINUROG ANG JAZZ; RAPTORS SILAT SA PELICANS

- , January 20, 2015 - 12:00 PM

TORONTO — Nakaiskor si Tyreke Evans sa isang driving layup may 1.6 segundo ang nalalabi sa laro para pamunuan ang New Orleans Pelicans na masilat ang Toronto Raptors, 95-93, sa kanilang NBA game kahapon.

Gumawa si Evans ng 26 puntos habang si Alexis Ajinca ay nagdagdag ng 22 puntos para tulungan ang Pelicans na manalo kahit hindi nakasama ang mga injured starters na sina Anthony Davis at Jrue Holiday. Sina Davis (sprained toe) at Holiday (sore right ankle) ay hindi pinaglaro sa ikalawang sunod na laro bunga ng mga iniindang injury.

Sinabi naman ni Pelicans coach Monty Williams na posibleng maglaro ngayon si Davis laban sa New York Knicks subalit hindi niya mamadaliin ang dating No. 1 overall pick ng 2012 NBA Draft na makabalik sa starting lineup.

Nagawang makabangon ng New Orleans mula sa 12 puntos na paghahabol sa ikaapat na yugto matapos na mabura ang itinatag nitong 14 puntos na bentahe sa halftime nang daigin ng Raptors ang Pelicans sa puntusan sa ikatlong yugto, 35-14.

Si Eric Gordon ay nag-ambag ng 14 puntos para sa New Orleans habang si Omer Asik ay may 11 puntos.

Pinangunahan ni DeMar DeRozan ang Toronto sa kinamadang 22 puntos. Si Lou Williams ay nagdagdag ng 17 puntos, si Greivis Vasquez ay may 16 puntos at si Patrick Patterson ay may 10 puntos para sa Raptors na natalo sa pito sa huling siyam na laro.

SPURS 89, JAZZ 69
Sa San Antonio, gumawa si Tiago Splitter ng 14 puntos habang si Kawhi Leonard ay nagtala ng 12 puntos at siyam na rebounds para sa San Antonio Spurs na hindi naghabol sa laro at nalimita ang Utah Jazz sa season-low scoring total para itala ang tambakang panalo.Si Tim Duncan ay nag-ambag ng 11 puntos para sa San Antonio, na nagwagi ng tatlong sunod

kabilang ang huling dalawang laro na nakasama si Leonard sa kanilang lineup.

Katuwang si Leonard sa paglatag ng matinding depensa kontra Jazz, ang Utah ay tumira ng 33 porsiyento at nagtala ng season low sa puntos sa laro at first half (27) laban sa San Antonio.

Si Rudy Gobert ay kumana ng 13 puntos at season-high 18 rebounds habang si Gordon Hayward ay nagdagdag ng 10 puntos para sa Utah.

Tinalo ng Utah ang San Antonio, 100-96, noong Disyembre 9 sa laro na kung saan si Leonard ay nagkaroon ng injury sa kanang kamay.

THUNDER 127, MAGIC 99
Sa Orlando, Florida, nagtala si Kevin Durant ng 21 puntos, 11 rebounds at walong assists para sa Oklahoma City Thunder na dinurog ang Orlando Magic.

Si Russell Westbrook ay nagtapos na may 17 puntos at anim na assists para sa Thunder. Sina Serge Ibaka at Dion Waiters ay nagdagdag ng 16 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinangunahan ni Victor Oladipo ang Orlando sa kinamadang 23 puntos habang si Elfrid Payton ay nag-ambag ng 19 puntos at walong assists para sa Magic na nagbigay ng franchise-record na 79 first-half points.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending