Alden: Wala akong nagawang kasalanan kay Aljur!

alden richards
Unfair nga naman kung si Alden Richards ang sisisihin ng kampo ni Aljur Abrenica kung bakit ito nawalan ng career sa GMA 7. Hanggang ngayon kasi ay si Alden pa rin ang itinuturong dahilan ng fans ni Aljur sa pagsasampa nito ng kaso laban sa Kapuso network.

Sa mini-fashion show ng Boardwalk kung saan ipinakilala si Alden bilang isa sa mga bago nilang endorser, nilinaw ng binata ang issue. Hindi naman daw tama na siya ang sisihin sa pagkawala ni Aljur sa GMA.

“Yun nga, sabi nga nila, pero ‘di ko talaga maintindihan yun. ‘Di ko maintindihan kung bakit in-affiliate yung case na sinampa ni Aljur against GMA sa akin.

Walang-wala naman akong kinalaman du’n,” paliwanag ng binata na super humble pa rin kahit na sikat na sikat na. Natanong sa kanya kung meron bang project si Aljur sa GMA na biglang napunta sa kanya, “Ang alam ko wala.

Kasi ang alam ko beforehand, pag mayroon malaking project ginagawa ang GMA, sa Artist Center group, sa management namin, si Aljur is always the priority.

“And then, kung hindi man available si Aljur, or yung role hindi para sa kanya, saka naghahanap ang Artist Center ng iba na fit for the role,” sey pa ni Alden na nagsabing willing a willing pa rin siyang makasama sa trabaho si Aljur matapos itong matanggal sa pelikulang “Cain At Abel”. Si Mark Herras na ang ipinalit kay Aljur.

Read more...