Facebook friends ni Ogie galit na galit; pati si Aga nadamay

ogie alcasid
WHEN was that nang makita ko sa Facebook wall ko ang magandang picture ng mag-anak na Regine Velasquez, Ogie Alcasid and cutie son Nate na nakaupo sa grounds ng UP Diliman (correct me if I’m wrong sa venue ha!) – what a beautiful sight indeed!?

Very natural, kahit malalaking stars sila ay hindi mo maramdaman sa pose nila that they even thought about it. They just made a nice picnic – just the three of them.

Siyempre, dahil malalaking stars sila at maraming fans, marami ang nag-post ng magagandang greetings sa kanila. I mean, marami talaga pero deadma ang mag-asawa – lalo na si Ogie considering na sa FB account niya galing iyon.

But when Aga Muhlach greeted them and said his hi-hellos and “miss you, pare” kind of message, mabilis na sumagot si Ogie and sent his message to him too.

“What the F**k! Bakit ganoon si Ogie? Namimili ba siya ng sasagutin? Marami kaming nag-message sa kaniya pero deadma siya pero nang si Aga ang nag-post, ang bilis niyang sumagot.

Akala ko fair ang taong iyan – akala ko makatao siya, plastic din pala. Kaya mula ngayon, ayoko na siyang suportahan. Nakaramdam ako ng pandidiri,” text ng isang kakilala kong nag-greet din sa kanila sa wall na iyon.

Kaya ang ginawa ko, sinilip ko ang FB wall na iyon. Yes, nandoon nga ang greetings ng friend ko and yes, hindi nga nag-comment si Ogie sa mga messages nila and there I saw Aga’s message and tama nga – hindi gumagawa ng kuwento ang kakilala ko – totoo ngang agad na sinagot ni Ogie ang message ni Aga at yung sa kanila ay waley lang.

“Sana nag-private message na lang siya kay Aga para hindi pangit tingnan. Kasi yung kay Aga lang ang sinagot niya. Nakakapagtampo talaga.

Mula noon hanggang ngayon ay grabe ang ibinigay naming suporta sa kaniya kahit hindi naman siya kaguwapuhan, ang liit pa,” anang ka-text ko.

Wait lang, wala namang personalan. Hindi naman sinabi ni Ogie na matangkad siya though pinanindigan niya ang tag sa kaniyang “Ogie Da Pogi” kahit alam naman nating pa-cute lang yung word.

But you know, unawain niyo na lang kung meron siyang pagkukulang sa inyo. Hindi naman niya kayo puwedeng sagutin lahat sa FB. “Hindi ko naman sinabing sagutin niya kaming lahat, puwede namang in general lang ah.

Pero deadma talaga at nagulat na lang kami dahil nu’ng si Aga na ang nag-message, agad-agad siyang sumagot. Dahil hindi ba niya kami ka-level? Dahil hindi kami celebrity kaya wala siyang ganang sagutin kami?

“Bakit, si Aga ba ang nagbibigay sa kaniya ng pangkain niya? Si Aga ba ang bumuhay ng career niya kahit waley naman talaga siyang dating? Kami ang mga tagahanga niya kaya dapat na bigyan din niya kami ng importansiya,” talak pa ng friend ko.

Oh siya, siya. Huwag kang mag-alala, ipaparating natin kay Ogie ang sentimiyento mong iyan. For sure ay manghihingi naman ng apologies ang ating kaibigan.

Lesson learned sa bawat isa sa atin lalo na doon sa mga celebrities, be very careful with your actions kasi napaka-sensitive talaga ng mga tagahanga ninyo. At doon naman sa  fans, I do hope for more understanding sa mga idolo ninyo.

Simple lang iyan kung hindi niyo gusto ang ginawa nila – kung hindi niyo sila masakyan, iwanan niyo sila. Ganoon na lang. Kalokang advice, di ba? Ha-hahaha!

Read more...