Jeron Teng di nahirapang maangkin si Jane Oineza

jeron teng
Inamin ng bida sa bagong serye na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na si Jane Oineza na hindi masyadong matagal na nanligaw sa kanya ang basketbolistang si Jeron Teng bago niya sinagot.

At tulad sa character daw niya sa Nasaan Ka… parehas sila na naniniwala that love can wait. “Ah, para sa akin po medyo challenging nga po kasi gusto ko ring patunayan ang sarili ko at gusto ko na ipakita na kaya kong maging versatile actress na kung anuman po ang ibigay nilang role, e, mabigyan ko po ng justice.

Tina-try ko po ang best ko,” lahad ni Jane. Mahusay na artista si Jane. Unforgetable sa amin ang episode na ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya kung saan nakasama niyia si Angel Aquino na isang drug dependent.

Ang husay-husay ni Jane sa role niya bilang rape victim na ibinenta ng kanyang ina kapalit ng droga. Napakabata pa that time ni Jane but she gave justice to the role.

Tinanong namin si Jane kung nakaya ba niyang makipagsabayan kay Vina Morales sa mga eksena nila sa serye. “Opo, I try my best po. Lahat naman po ng eksena namin, lahat po binibigay  ko ‘yung more than a hundred percent ko,” sagot niya.

Anyway, sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na nagsimula na kahapon, Jane plays the role as Vina’s daughter. Dito rin ilulunsad ang loveteam nila ni Jerome Ponce na gumanap naman bilang panganay na anak ni Ser Chief sa Please Be Careful With My Heart.

Tingin naman ni Jane hindi makakaapekto ang relasyon niya kay  Jeron Teng sa loveteam nila ni Jerome, “Supportive naman po siya sa kung ano ‘yung ginagawa ko.

And, happy po ako na makalabtim si Jerome. Looking forward po ako sa mga scene namin. Magkaiba naman po ang on-cam at off-cam.”

Read more...