Kris kinampihan sa pagtatanggol kay Bimby, pero…

bimby aquino
Napuno ang dakilang nanay! Madaling unawain kung bakit humulagpos ang bitbit na pasensiya ni Kris Aquino nu’ng isang araw. Malapit siya sa mga becki, marami siyang kaibigang bading, pero nang may tumawag ng “toyab” sa kanyang bunsong si Bimby na binaligtad na spelling ng bayot o bakla ay nagwala si Kris.

Hindi na ‘yun usapin ng pagiging bading, ang mas nangibabaw sa aktres-TV host ay ang pagtatanggol sa walang kalaban-laban niyang anak, pitong taon pa lang kasi si Bimby pero pati ba naman ang child actor ay binabastos na rin sa social media?

Kaya ang hamon ni Kris, kung may gustong mambastos sa kanyang anak ay gawin ‘yun nang harap-harapan at hindi sa paraang duwag, nagtatago lang sa likod ng pagiging basher.

Wala na ngang ligtas ngayon sa social media, kahit ano na lang ay puwede nang panghimasukan at pakialaman ng kahit sino, nakikipaglaban ang mga kilalang personalidad sa mga taong ni hindi naman nila kilala nang personal.

Komento ng isang kaibigan namin tungkol sa ikinagalit ni Kris, “Mali ‘yun, talagang mali ang ginawang kabastusan ng basher kay Bimby dahil walang kalaban-laban ang bata sa panglalait sa kanya.

“But this should also serve as a reminder to Kris na hindi lahat-lahat ng tungkol sa buhay nilang mag-iina, e, isine-share niya sa publiko. “Masyado kasi siyang open, lahat na lang, alam na ng mga tao, wala nang naiiwanan para sa kanya,” makahulugang komento ng aming kausap.

Read more...