P-Noy mas tumindi ang pag-ubo nang dumating ang Santo Papa

noynoy
“The coughing president” ang bansag ng marami kay Pangulong Noynoy Aquino. Kung dati’y panay-panay na ang kanyang pag-ubo ay mas napansin ng ating mga kababayan ang pagiging ubuhing pangulo niya sa pagdalaw sa ating bayan ng Santo Papa.

Sa pagsalubong pa lang kasi ni P-Noy at ng kanyang gabinete kay Pope Francis sa NAIA ay panay na ang kanyang pag-ubo. Tinatakpan niya naman ang kanyang bibig kapag umuubo siya, parang nasasamid lang ang kanyang dating, mapapansin din ang pag-aabot sa kanya ng tubig para kahit paano’y maibsan ang kanyang pag-ubo-ubo.

Kahit sa mga footage na ipinalalabas sa ibang bansa ay tampok ang pag-ubo-ubo ng ating tagapamuno, kaya ang itinawag tuloy sa kanya ng mga Pinoy ay “The coughing president,” na hindi maaaring kuwestiyunin dahil lantad naman ang ebidensiya kung bakit.

Kaya kung mga ordinaryong Pinoy man ang maubo ay hindi na malaking usapin ‘yun, kung ang ating pangulo nga naman ay ubo nang ubo, malaking isyu pa ba ang pag-ubo ng ordinaryong Marya at Juan?

Tingnan mo nga naman. Hawak na ng ating pangulo ang kapangyarihan, ang lahat-lahat ng kaginhawahan sa buhay, pero kahit sino ang kanyang kaharap ay napapaubo pa rin siya.

Sa isang pagtatalumpati niya sa ibang bansa ay inihit din siya ng ubo, nagpatawa na lang ang pangulo para madisimula ang kanyang pag-ubo-ubo, sobra-sobrang paninigarilyo ang itinuturong dahilan ng pangangati ng kanyang lalamunan saanman siya nandu’n.

Read more...