Natutuwa kami sa itinatakbo ng showbiz career ni Julia Montes. Isa kasi siya sa mga iilang female young actress na kering-kering maging leading lady ng kahit sinong matinee idol.
Hindi niya kailangan ng isang regular partner para ma-maintain ang kanyang kasikatan o mabigyan ng magagandang breaks na mas lalo pang pagpapatunay ng kanyang pagiging aktres.
Gaya na lang sa upcoming movie ng Star Cinema na “Halik Sa Hangin” kung saan makakatambal niya sina Gerald Anderson at JC de Vera na isa na namang kakaibang proyekto para sa young actress.
“Hindi po ito yung tipong pa-cutie-cutie role. May kakaiba siyang twist at yung character ko at ng mga leading men ko, sigurado akong masa-shock ang mga manonood,” sey pa ng dalagang-dalaga nang si Julia.
Although love story ang peg ng naturang movie, ito daw yung klase ng pelikula na nakasentro sa pag-ibig pero may sangkap ng horror at suspense.
Mature na mature na nga si Julia dahil nang ipalarawan namin sa kanya ang pinag-uusapang love scene niya with Gerald, simple nitong sinabi na “hot and steamy.”
Showing na rin ngayong Jan. 21 ang “Halik Sa Hangin”, ito ang ikalawang pelikulang handog ng Star Cinema ngayong taon, matapos ang pinag-uusapan pa ring tagumpay ng “Edsa Woolworth” ni Pokwang.