Makapag-aasawa ba ngayong 2015? (2)

Sulat mula kay Jasmin ng Quezon Avenue, Miputak, Dipolog City
Problema:
1. Single mom ako at may isang anak na girl, three years old girl na siya sa kasalukuyan. At nagta-trabaho ako sa isang call center. Nahihirapan po akong mag-isa, at siyempre bata pa naman ako sa edad na 25 years old sa darating na March 8, kaya gusto ko rin makapag-asawa.
2. May boyfriend ako sa ngayon na isinilang naman noongSeptember 5, 1982. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung siya na ba ang mapapangasawa ko? Kasi sa ngayon nagbabalak na kaming mag pakasal sa darating na December. Matutuloy kaya at kung matutuloy magiging maligaya naman kaya ang buhay namin kung kami na ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Jasmin ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ay nagsasabing compatible naman kayo ng kasalukuyang boyfriend mo na isinilang sa zodiac sign na Virgo. Ang Virgo ay may elementong “earth o lupa” habang ang Pisces ay may elementong “tubig o water”, kung saan, ang pagsasama ng “tubig at lupa” ay sadya namang itatalang magiging mabunga at masagana.
Numerology:
Ang birth date mo namang 8 ay nagsasabing bukod sa Astrology tugma rin kayo ng boyfriend mo sa Numerology kung saan, ang birth date mong 8 ay sadyang sakto at tamang-tama lang na isama sa birth date na 5 ng boyfriend mo na ibig sabihin sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, siguradong itatala ang isang masagana at maligayang samahan.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang nasabing mga pagtaya sa itaas, lagi kayong gumamit ng kulay na berde at silver o gray. Sa ganyang paraan, tuluy-tuloy na darating ang magandang kapalaran, habang patuloy kayong nag-uunawaan at nagmamahalan.
Huling Payo at Paalala:
Jasmin ayon sa iyong kapalaan, sigurado na ang magaganap tulad ng nasabi na, kahit na single mom ka o may isang anak sa pagkadalaga, siguradong matutuloy ang binabalak n’yong pagpapakasal ng boyfriend mo sa taon ding ito sa buwan ng Disyembre, na magbubunga ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...