Pilgrim sa Tacloban nasawi matapos bagsakan ng scaffolding

TACLOBAN CITY– Isang babae ang nasawi nang tamaan siya nang nahulog na scaffolding matapos ang ginawang misa ni Pope Francis Sabado ng umaga dito.

Kinilala ang biktima na si Kristel Padasas,  isang volunteer ng Catholic Relief Service, matapos siyang bagsakan ng speaker ng scaffolding na malapit sa altar.

Ayon sa kasama ng biktima na si  Lowel Traiso, nais din makita at masulyapan ni Padasas ang Santo Papa nang aksidente itong mabagsakan ng scaffolding matapos ang misa.

Unang napaulat na nangyari ang aksidente habang nagmimisa si Pope Francis.

Reverend Father Amadeo Alvero, ang spokesperson ng Palo Archbishop ay nagpahayag ng pakikiramay at pagpapaumanhin dahil nangyari ang hindi inaasahan.

Anya bumigay ang scaffolding dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyong Amang at hindi dahil sa magulo ang mga tao.

Nilinaw rin ni Alvero na naganap ang insidente matapos makaalis ang Santo Papa mula sa airport para sa kanyang motorcase.

“Nahulog dahil sa hangin… We are very sorry this had to happen,” ayon sa pari.

Nagmisa si Pope Francis sa Daniel Z. Romualdez Airport matapos lumapag ang kanyang eroplano pasado alas 9 ng umaga.

Read more...