Ruffa ipinaglaban sa pamilya ang bagong BF: 1 year na kami! | Bandera

Ruffa ipinaglaban sa pamilya ang bagong BF: 1 year na kami!

Ervin Santiago - January 17, 2015 - 03:00 AM

ruffa gutierrez
SA kabila ng pagtutol ng kanyang inang si Annabelle Rama, pinanindigan pa rin ni Ruffa Gutierrez ang relasyon nila ng kanyang French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal.

Sa katunayan, proud na proud na ipinost ng TV host-actress ang litrato nila ni Jordan sa Instagram na kuha noong mag-celebrate sila ng kanilang first anniversary noong Huwebes bilang magdyowa.

Dito sinabi ni Ruffa na napakaswerte niya sa kanyang bagong boyfriend dahil hindi rin siya nito iniiwan sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan nila bilang magkarelasyon.

“The best kind of people are the ones that come into your life, and make you see the sun where you once saw clouds. The people that love you, simply for being you.

The once in a lifetime kind of people. #Happy365Days @jordanmouyal,” ang caption ni Ruffa sa nasabing picture. In fairness, ilang sandali pa lang na naipost ng aktres ang larawan nila  ni Jordan libu-libo na agad ang nag-like nito at puro positive rin ang comments na natanggap nila, karamihan ay nagsabing bagay na bagay sila bilang magdyowa.

Kung matatandaan, naging maingay ang relasyon nina Ruffa at Jordan nang magtatalak ang kanyang mommy at diretsahang sinabi na hindi siya boto sa lalaki. Nagkapalitan pa nga ng maaanghang na salita ang mag-ina dahil dito.

Sey naman ni Ruffa, wala na raw magagawa ang kanyang ina dahil handa siyang ipaglaban ang kanyang boyfriend, kaya sa ayaw at sa gusto ng kanyang pamilya ay wala nang magagawa ang mga ito dahil nakapagdesisyon na siya.

Sey pa ni Ruffa tungkol kay Jordan, “What’s really nice about him is nandiyan siya, kahit ano pang nangyayari, he’s there to hold my hand and support me along the way.

Hindi siya nakikialam sa showbiz intrigues or what happens. He’s just there and he does his own thing.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending