Iya: Virgin pa ako nu’ng ikasal kay Drew! | Bandera

Iya: Virgin pa ako nu’ng ikasal kay Drew!

Ervin Santiago - January 16, 2015 - 03:00 AM

DREW ARELLANO AT IYA VILLANIA

DREW ARELLANO AT IYA VILLANIA

VIRGIN si Iya Villania nang pakasalan ni Drew Arellano. Ibig sabihin, sa mahigit 10 taon nilang pagiging magdyowa ay hindi sila nag-sex kahit isang beses.

Ito ang kinumpirma ni Iya nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment media sa presscon kamakailan ng Silka Papaya Soap kung saan nakasama rin niya ang latest endorser ng nasabing beauty product na si Piolo Pascual.

Tulad ng kanyang kaibigang si Nikki Gil, naniniwala siya na dapat lang naman na birhen ang isang babae kapag humarap sa altar para pakasalan ang kanyang boyfriend, lalo pa’t nasa isang Catholic country daw tayong mga Pinoy.

“I do believe in that. You know, I don’t look down upon other girls who practice it (pre-marital sex). It doesn’t make you less of a person. Kanya-kanya namang values ‘yan, e. But, personally, I do believe that one should not practice pre-marital sex,” paliwanag ng (nagbabalik) Kapuso TV host-actress.

Ibig sabihin nga nito, talagang naghintay nang matagal si Drew bago niya isinuko ang Bataan, “Yes! Ha-hahaha! At doon ko naman na-confirm na mahal niya talaga ako. He was very patient, yes. I mean, it’s easy now for me to say because we’re married now.”

Dugtong pa niya, “It’s actually nakakatawa. Mas nakakabilib si Drew! It’s actually easy for…which is why ang lakas ng loob ko magsabi. It’s easy for girls who hasn’t experienced anything ‘coz you don’t know what you’re missing out on! That’s why I made my stand.  That’s why I really don’t intend it to become a huge issue, kaya huwag na lang ninyong palakihin ito.”

In fairness, nakakabilib nga si Drew dahil hinintay talaga niyang makasal sila ni Iya bago sila nag-sex at naniniwala raw ang TV host-actress na never nagloko ang kanyang asawa noong magkasintahan pa lang sila, “Well, nasa values din naman ng lalaki yun, e. Actually, he’s Catholic.”

Todo naman ang pasasalamat ni Iya sa Silka Papaya dahil hanggang ngayon ay malaki pa rin ang tiwala ng mga may-ari ng nasabing kompanya. Mahigit 10 years na rin kasing endorser ng Silka ang misis ni Drew. At sa press launch ng nasabing produkto, siya mismo ang nag-welcome kay Piolo bilang bagong celebrity endorser.

Ayon sa mga taong nasa likod ng nasabing beauty product, kino-consider nilang lucky charm ng kanilang produkto si Iya. Sabi nga ni Jane Co, ang spokesperson ng Silka, napakadaling katrabaho ni Iya at talagang napakalaki ng naitulong nito sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending