Dennis sa pang-iisnab ni Julia: Sobrang sakit talaga!

JULIA BARRETTO

JULIA BARRETTO

Sobrang nasaktan si Dennis Padilla nang dedmahin siya ng sariling anak na si Julia Barretto sa isang Christmas party ng ilang Kapamilya stars noong Disyembre.

Sa isang interview naikuwento ng comedian na hindi niya inasahan ang ginawa sa kanya ni Julia. Hinihintay lang daw niyang lapitan siya ng anak dahil halos dalawang table lang daw ang layo nila sa isa’t isa, pero siya’y nabigo.

Mas lalo pang sumama ang loob niya nang makitang bumebeso at yumayakap sa ibang artistang naroon si Julia pero ni sulyapan ay hindi nito ginawa sa kanya.

Pero sa kabila nito, inunawa na lang daw niya ang anak. Baka raw mas matinding dahilan si Julia para hindi siya pansinin nu’ng gabing ‘yun.

Read more...