Julia Montes: Hindi po ako buntis! Wala nga akong boyfriend!

JULIA MONTES

JULIA MONTES

Pinagtawanan lang ni Julia Montes ang isyung buntis siya kaya hindi siya masyadong visible sa ilang showbiz events.

Kumalat ang chika na umalis daw siya ng bansa matapos malamang pregnant siya courtesy of a young actor. Sa presscon ng latest movie niyang “Halik Sa Hangin” under Star Cinema kung saan makakasama niya sina Gerald Anderson at JC de Vera, mariin niyang itinanaggi ang nasabing tsismis.

“Oo nga, nagsu-shooting po kasi ako, hindi po ako umalis ng bansa. Sana nga po ay nakaalis ako ng bansa, pero hindi nga ako nakaalis ng bansa. And, of course, lagi kaming nagsu-shooting, almost every day in a week. So, lagi kaming magkakasama.

“Wala pa nga akong boyfriend, e. Paano kaya?” paliwanag ni Julia.

Isa raw sa mga dahilan kung bakit natsismis na buntis siya ay dahil bigla na lang dumalang ang pagpo-post niya sa kanyang Instagram account, “Hindi talaga ako ma-post ngayon. Ini-enjoy ko lang lagi kapatid ko, inihahatid ko sa school. Pag walang work, lumalabas kami, talagang yung bonding time, tsini-cherish ko talaga.

“Tapos ginawa ko siyang private, kaya walang lumalabas, kasi hindi ako nagpu-post lately,” paliwanag ng aktres.

Wala pa ring lovelife si Julia until now, “Siguro, work lang muna talaga. Kasi, kilala ko ang sarili ko. Ako kasi, ‘pag focused ako sa work, focus muna ako. At ayokong mag-focus sa love kasi ang daming oportunities. At bibihira naman mabigyan ng ganitong opportunities ang iba.”

Anyway, showing na sa Jan. 28 ang “Halik Sa Hangin” kung saan makakasama rin nina Julia, Gerald at JC sina Edu Manzano, Ina Raymundo at marami pang iba, sa direksiyon ni Manny Palo.

Ang “Halik Sa Hangin” ay kuwento ng isang babaeng sasailalim sa isang kakaibang paglalakbay kung saan magmamahal siya sa kauna-unahang pagkakataon. Ibang level ng seduction, passion at obsession ang hatid ng “Halik Sa Hangin” na tiyak na ikawiwindang n’yong lahat.

Sa trailer pa nga lang ay mapapanganga ka na sa mga eksena nina Julia, JC at Gerald!

Read more...