Pacquiao inaabangan na lang ang pagpayag ni Mayweather

WALA ng problema kay Manny Pacquiao ang mga kondisyon na nais ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. para tumibay ang posibilidad na magkita na ang dalawang mahuhusay na boksingero sa taong ito.

Mismong si Bob Arum ng Top Rank ang nagsabi na payag na si Pacquiao at hinihintay na lamang ang pagpayag mismo ni Mayweather.

Si Arum ang nakikipag-usap sa mga kinatawan din ni Mayweather.

“I think Manny has been very reasonable and demonstrated that he wants the fight to happen. Now, we’re waiting for Floyd. That is not to say that Floyd has been obstinate, that Floyd won’t do it but we’re waiting on him,” wika ni Arum sa Yahoo Sports.

Mismong ang adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz ang sumegunda sa pahayag na ito ni Arum.

“I just talked to Bob and with what was presented by the representatives of Floyd Mayweather. We’ve agreed to all of the terms. We’re agreed to our side, so now we’re waiting for Floyd to sign off on it,” ani ni Koncz sa panayam ng RingTV.

Sa Mayo 2 gagawin ang laban sa Estados Unidos pero wala nang ibinigay na detalye sa iba pang nais ni Mayweather.

“We’ve agreed to the terms and once Floyd signs off, then the fight is on May 2,” dagdag ni Koncz.

Mismong si Mayweather ang nagsabi na handa na niyang harapin si Pacquiao at pagkakataon na niya na patotohanan ito sa paglagda sa kontrata ng laban.

Read more...