Painting ng Santo Papa kasama sina Kris, Vilma, Coco, Dingdong binatikos

painting
Distasteful ang tingin ng marami sa lumabas na painting ni Pope Francis kung saan kasama niya ang local celebrities na sina Vilma Santos, Kris Aquino, Coco Martin, Sen. Grace Poe, Dingdong Dantes, Gary Valenciano at Marian Rivera.

Kilala kasing makamasa si Pope Francis and it was sort of lacking in distaste na makita siyang kasama ang mga sikat na local celebrities kahit sa painting lamang. Wala raw itong ipinagkaiba sa mga politikong uhaw sa publicity.

Gawa ang painting ng isang visual artist at ginawa niyang bida si Vilma sa Pagsalubong sa Santo Papa. Ginawa rin niyang ordinaryong tao ang mga celebrities na kanyang ipininta kasama ang Santo Papa.

Sabi ng artist painting daw niya ‘yun at wala siyang masamang intensiyon, baka raw na-misinterpret lang ng mga tao ang kanyang obra.

We saw photos of Pope Francis and what made us admire him more was one that captured him while kissing the foot of one prisoner. Talagang halos maluha kami sa photo niyang iyon dahil talagang ipinakita niyang he is the Pope for the public.

Read more...