Kris, nanay ni Elmo pinayuhang bisitahin si Kuya Germs

kris aquino
Nakakalungkot naman ang balitang medyo matatagalan pa bago tuluyang bumalik sa dati niyang “porma” ang TV host na si German Moreno. Sa loob ng mahigit limang dekada, ang dami-dami na niyang naiambag sa industrya.

Huli namin siyang nakausap noong mag-caroling ang PMPC sa GMA last Dec. 14. Nakwento niya ang hindi niya pagkakainterbyu kay Kris Aquino noong presscon ng “Feng Shui 2.”

Kinukumpleto kasi ni Kuya Germs ang interview niya para sa lahat ng bida na kasali sa Metro Manila Filmfest last year para sa kanyang show na Walang Tulugan.

Nagtataka si Kuya Germs kung bakit wala si Kris noong ininterbyu na niya ang leading man ng Queen of All Media na si Coco Martin. Hindi raw masabi sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit.

“Hindi nila masabi kung ano talaga ang reason. Pero hindi naman sumama ang loob ko kay Kris. Bakit naman sasama ang loob ko? Ako pa,” sabi niya sa amin that time.

Pero napansin namin ang ‘di pagsagot ni Kuya Germs sa tanong kung okey na sila ng balo ni Master Rapper Francis Magalona na si Pia Magalona. Inulit pa ang tanong kay Kuya Germs ng isang kasamahan sa PMPC, pero deadma talaga siya.

Hala, may ganito palang isyu si Kuya Germs bago siya na-stroke, ha.Hindi kaya dapat bisitahin nina Kris at Pia si Kuya Germs ngayong may pinagdaraanan itong pagsubok sa buhay niya? Sey nga ni Boy Abunda, “Now na!”

Read more...