KC baka matulad kay LJ, dapat mag-ingat kay Paulo

kc concepcion

ILANG beses na naming sinabing magdyowa talaga itong sina KC Concepcion at Paulo Avelino, eh. Matagal din nilang pinaikot ang madlang people and finally, sa Gandang Gabi Vice ay nag-I Love You-han na sila.

Itong si KC, nagpapakiyeme pang mga “wavu” ek pa kuno na ang ibig din palang sabihin ay I Love You. Hasus…echosera rin talaga to the highest level.

Marami ring mga eksenang dinaanan muna ang dalawang echoserang frogs na ito bago nasukol sa matagal na namang alam ng public – na magsyota nga sila.

Kesyo “we’re just  friends” echos na halatang eklay lang. Ngayon ay umamin na sila – kahit hindi man direktang sinabing “magsyota na kami” pero the fact na nag-I Love You na sila sa isa’t isa – ano ang tawag doon, aber?

Kami ay naninindigan pa rin sa paniwalang gagamitin nang husto nitong si Paulo si KC para magtagumpay sa kaniyang karera. Definite kaming si KC ang magsa-suffer dito  unless pakasalan na siya ni Paulo ngayon – maniniwala na kaming seryoso siya sa dalaga.

Pero pag nagsawa iyan kay KC, malamang na mauuwi rin sa waley ang relasyon ek-ek na ito. Alam niyo naman si KC, napaka-vulnerable. Ewan ko ba sa batang iyan – hindi rin nag-iisip.

Kungsabagay, may kasabihan nga tayong LOVE IS BLIND. Sana dumating ang araw, bago pa man mahuli ang lahat, na magka-20-20 vision ang puso ni KC.

Basta ako, nawalan na rin ako ng gana kay KC Concepcion. Pinaikot niya kasi tayo, eh. Akala niya siguro cute sila sa mga kakiyemehan nila ni Paulo.

Read more...