Onemig sa ex-wife: Hindi niya kayang maging nanay!

onemig bundoc
Desidido si Onemig Bondoc na makuha ang sole custody para sa dalawang anak nila ng nakahiwalay na asawang si Valerie Bariou na isang French-Filipina model-actress.

Sa isang TV interview sa dating matinee idol matapos siyang maghain ng petisyon sa Quezon City Hall of Justice para sa solong kustodya sa dalawang anak, sinabi nitong hinding-hindi siya papayag na mapunta sa kanyang estranged wife ang mga bata.

Kung matatandaan, September noong nakaraang taon kinumpirma ni Onemig na hiwalay na sila ng kanyang asawa, pero aniya, October, 2013 pa lang ay hindi na sila nagsasama.

Ayon kay Onemig, “I’m doing this for my kids dahil sobrang mahal ko ang mga anak ko. Feeling ko hindi siya (Valerie) capable of taking care of our kids. We cannot meet halfway. We just can’t meet halfway.

“It’s because, wala… for her it’s her way or the highway. Siya, gusto niya, yung siya lang sa mundo niya, gusto niya siya lang ang puwedeng magkamali.

Pero yung mga tao sa paligid niya, dapat hindi magkamali. So iyon yung rason kung bakit hindi ko na kinaya at nakipaghiwalay na ako sa asawa ko.

Habang isinusulat namin ang balitang ito, wala pang inilalabas na official statement si Valeries na pinag-usapan noon matapos mapiling mag-double sa Hollywood actress na si Rachel Weisz habang ginagawa dito sa Pilipinas ang international movie na “The Bourne Legacy”.

Nang hingan ng pahayag si Onemig para sa dating misis, “Alam mo Val, I’ve already talked to you many times but you really don’t want to meet halfway.

I don’t really wanna do this but it seems that you really want this, and you’re forcing me do it. So I’ll guess I’ll just see you in court.”

Read more...