Depensa ng ALASKA paiigtingin vs SMB

alaska aces

Laro Ngayon
 (Araneta Coliseum)
5 p.m. San Miguel Beer vs. Alaska Milk

MATAPOS mapatunayang kaya nitong burahin ang malalaking kalamangan sa isang iglap sa pamamagitan ng mahigpit na depensa ay  sisikapin ng Alaska Milk na sakalin na ang San Miguel Beer  sa kanilang pagtutuos sa Game Four ng best-of-seven championship round ng PBA Philippine Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon sa serye ay nakaahon ang Aces sa malalim na hukay upang talunin ang Beermen, 78-70, sa Game Three noong Linggo.

Sa larong iyon ay nakalamang ang Beermen ng 18 puntos, 64-46, sa umpisa ng fourth quarter. Ang pinakamalaking abante ng Beermen sa Game Three ay 61-40.

Sa fourth quarter ay gumawa ang Alaska Mik ng 32-6 atake. Bukod dito ay na-outrebound ng Aces ang Beermen, 21-8.
Kumuha si Calvin Abueva ng 10 sa kanyang 15 rebounds sa yugtong iyon.

Nagtapos siya na may double-double dahil nagtala siya ng 16 puntos. Pinuri ni Alaska Milk coach Alex Compton dahil sa kanilang matinding depensa lalo na sa fourth quarter.

“Lahat naman nagsisimula sa depensa. They never gave up,” ani Compton na nasa ikalawang conference bilang head coach ng Alaska matapos halinhan si Luigi Trillo.

Si Compton at San Miguel Beer coach Leovino Austria ay naghahangad na mapanalunan ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa PBA bilang coach.

Hindi naibigan ni Austria ang pangyayaring hindi nagawa ng Beermen  ang kanilang game plan hanggang sa kadulu-duluhan.
“I can only do so much. Napag-aralan na amin ang Alaska.

We did everything. Sa engame execution na lang naiba,” ani Austria. Nakatulong ni Abueva sa rally ng Alaska sina JVee Casio na ginawa ang lahat ng kanyang 11 puntos  sa second half, si Sonny Thoss na gumawa ng walo sa kanyang 10 puntos sa fourth quarter at Ping Exciminiano na nagtapos ng may walong puntos.

“It’s just a 2-1 lead. Malayo pa. We have to keep our focus because San Miguel is capable of turning things around,” ani Compton.
Ayon naman kay Austria,  “We’ve been able to erect huge leads but failed to keep it until the end.

We have to learn to protect it.” Patuloy na aasa si Austria sa reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo na malamang na maparangalan bilang Best Player of the Conference bago magsimula ang laro ngayon.

Bukod kay Fajardo, ang SMB ay aasa rin kina Arwind Santos, Chris Lutz, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Read more...