PINATAWAD na raw ng Simbahang Katolika ang tour guide na si Carlos Celdran.
Ito ang pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Si Celdran ay nasentensiyahan ng korte “dahil nakasakit siya ng damdamin ng Simbahan.”
Hindi lang panahon pa ni Kupong-Kupong ang batas na nagpaparusa ng mga taong nakakasakit ng damdamin ng Simbahan, ito’y estupidong batas.
Ito’y labag sa Saligang Batas na nagbibigay karapatan ng malayang pamamahayag.
Balik tayo sa sinabi ni Archbishop Tagle na pinatawad na ng Simbahan si Celdran.
Kung pinatawad siya ng Simbahan, bakit sinampahan siya ng kaso sa korte at pinatawan ng ilang buwan hanggang isang taong pagkabilanggo?
Sabi ni Tagle na ang nagsampa ng kaso sa kanya ay “People of the Philippines .”
Si Tagle naman, para namang mga mangmang ang kinakausap niya!
Kahit na isang murder case, kapag walang complainant o pinatawad na ng kamag-anak ng biktima ang akusado, hindi magpapatuloy ang kaso sa korte.
Kaya ang isang kasong “offending religious feelings” pa ang hindi?
Hindi ko sinasabi na sinungaling si Archbishop Tagle, pero kung si Celdran ay napatawad ng Simbahan dapat sana ay walang kasong sinampa sa kanya at hindi siya napatawan ng parusa ng korte.
At ipagpalagay natin na huli na nang malaman ng Simbahan na pinatawan na siya ng korte ng isang taong pagkabilanggo.
Pero por Dios, por santo naman, nang umapela si Celdran bakit di nila sinabi sa Court of Appeals na wala na silang interest sa kaso?
The Court of Appeals, na bahay ng mga bobong mahistrado, affirmed the conviction of Celdran for offending religious feelings under Article 133 of the Revised Penal Code.
Di man lang inisip ng mga bobong mahistrado na nagrepaso ng kaso laban kay Celdran na sa ilalim ng ating Saligang Batas karapatan ng isang mamamayan na magbigay ng malayang pamamahayag.
Para sa mga ngayon lang nakabasa ng kaso ni Celdran, ito ang buong pangyayari.
Noong kainitan ng diskusyon tungkol sa Reproductive Health Bill, nanindigan ang Simbahan na labag sa utos ng Diyos ang birth control.
Ang Reproductive Health, na naging batas, ay nagbibigay ng laya sa mag-asawa na makapili kung anong klaseng birth control method ang kanilang susundin.
Dahil sa pakikialam ng Simbahan sa usapin ng gobyerno, gumawa si Celdran ng paraan upang maipaabot ang kanyang damdamin tungkol dito.
Pumarada siya sa loob ng Manila Cathedral habang may Misa at bitbit niya ang isang sign na nakasulat “Damaso.”
Ang “Damaso” na tinutukoy ni Celdran ay si Padre Damaso sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal na nagdedetalye ng pagmamalabis ng Simbahan noong mga panahon ng Kastila.
Si Padre Damaso, ayon sa nobela, ay nanggahasa ng isang parishioner na nabuntis at nanganak kay Maria Clara.
Nasaktan ang Simbahang Katolika sa ginawa ni Celdran.
The rest is history.
Si Tal Fulano ay inakusahan ng rape ay binasahan ng isinampang kaso sa kanya sa korte.
“People of the Philippines vs Tal Fulano.”
Nagprotesta si Tal Fulano. Sinabi niyang isa siya sa “People of the Philippines .”
“But I’m one of the People of the Philippines. Me versus me?” sabi niya.