Paulo ilang beses nang nag-I Love You kay KC

paulo avelino
NAPAKARAMING manonood ang pinakilig ng rumored couple na sina KC Concepcion at Paulo Avelino nang sabay silang maging guest sa Gandang Gabi Vice last Sunday night.

Inamin ni Paulo sa harap ng madlang pipol na ilang beses na niyang sinabihan ng “I love you” si KC na talaga namang ikinabaliw ng host ng programa na si Vice Ganda.

Ito kasi ang unang pagkakataon na diretsong sinabi ng binata na nag-I love you na siya sa anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Hirit pa ni Paulo, “Mahal ko naman talaga si Kristina (KC),” na sinundan ng palakpakan at tilian ng studio audience ng GGV.

Nang tanungin naman si KC kung sinagot din ba niya ng “I love you” si Paulo, ang naging tugon ng dalaga, “Hindi kasi ako ma-I love you, e. Nag-ano na ako, wavu. So, naiinis siya kasi hindi talaga siya I love you.”

Tawa naman nang tawa si Vice sa “wavu” ni KC bilang sagot sa “I love you” ni Paulo. Pero kahit anong pilit ni Vice, hindi pa rin niya napaamin ang dalawa kung sila’y magdyowa na.

Ang sabi ni Paulo, “Katulad nga ng sabi namin, we have something special and tine-treasure namin ‘yon. Kumbaga, wala namang exact date, pero nandoon lagi.”

Nang usisain ni Vice kung nagkaroon na ba sila ng matatawag na “official date” bilang special friends, hindi ito diretsong sinagot ni KC, “Yung totoo kasi diyan, walang date.

“May dating, pero yung date na date talaga, wala. Ano kami, e… may time na siguro parang, ‘Ano ba talaga ‘to?’ “Alam mo ‘yon, na umalis pa ako ng four months, nagpunta pa ako (ng Amerika) noong January hanggang April.

Parang pag-uwi ko, hindi namin sure kung itutuloy ba namin nang super-todo or kung nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa’t isa.

“May time na hindi kami nag-usap, dinelete niya ako sa Instagram, in-unfollow ko rin siya sa Instagram, nag-unfollow-han kami sa Instagram. Pagkatapos noon, may time na nag-uusap na kami ulit, na parang he was always there.

“Noong nagkasakit ang lola ko, nandoon siya. Nandoon siya sa mga important moments,” mahabang paliwanag ng singer-actress.  Sumunod na tanong sa dalawang bida ng mini-series na Give Love On Christmas Presents Exchange Gift sa ABS-CBN na mapapanood hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime, kung ginagawa na nila ang mga ginagawa ng magdyowa kahit super special friends pa lang sila.

“Para kaming walang pressure sa isa’t isa, or at least nagta-try kaming hindi i-pressure ang isa’t isa. Walang anniversary pero parang ano…” biting tugon ni KC.

Sey naman ni Paulo, “Si KC naman, if you look at her, parang she’s very formal. “Pero kapag nakausap mo siya, kahit kanino, kahit sa mga staff niya, she talks to them as a normal person, kahit sa akin.

“So, ayun, parang we started out as friends naman talaga. Ayun, nag-usap lang kami nang nag-usap ‘tapos nagkaroon ng connection. Matagal na kaming magkaibigan, e. Siguro mas nakilala namin ang isa’t isa last year.”

Napi-feel ba ni Paulo na si KC na nga ang babaeng pakakasalan niya in the future? Bago sumagot ang binata ay humirit muna si KC, “Kaya ‘yan kinakabahan dahil sa mga tanong na ganyan.”

Sey naman ni Paulo, “Para sa akin, siguro sa mga lalaki, parang wala ka nang hahanapin kay KC kasi beauty and brains, ‘tapos maganda ang personality.

Siyempre, kapag may pakakasalan ka in the future, gusto mo yung ganu’ng babae, di ba?” Samantala, patuloy na tutukan ang huling linggo ng Give Love On Christmas Presents Exchange Gift nina Paulo at KC.

Alamin kung magkakaroon din ng happy ending ang kanilang mala-fairytale na kuwento. Siyempre, tuwang-tuwa ang dalawa at ang Dreamscape Entertainment TV dahil napakaganda ng resulta sa rating nito, pati na rin ang dalawang naunang episode ng Give Love On Christmas – ang The Gift Giver at ang The Gift Of Life.

Sa katunayan, winner na winner sa ratings game ang pilot episode ng Exchange Gift with 12.4% kumpara sa kalaban nitong The Ryzza Mae Show (7.2%).

Ibig sabihin, tanggap na tanggap ng madlang pipol ang tambalan nina Paulo at KC kaya siguradong may follow-up project agad si sila .

Read more...