Andi enjoy na enjoy pag sinasaktan ng lalaki

andi eigenmann
NAGULAT kami sa nabasa naming item  na sinabi raw ni Andi Eigenmann na sinaktan siya ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito – na ang dating sa amin ay “pinisikal” siya ng binata.

Hindi kami naniniwalang kayang manakit ng babae ni Jake – not even to anyone for that matter. Kilala namin kung gaano ka-gentleman ang binatang anak na ito nina kafatid na Laarni Enriquez at Manila Mayor Joseph Estrada.

In fairness sa mga Estrada, wala sa lahi nila ang nananakit ng babae physically – no one has ever claimed na inabuso sila ng kahit sinong Estrada.

Maginoo sila sa kababaihan – maaaring nakapanakit sila ng mga babae sa ibang pamamaraan (ang masaktan sila dahil mahilig lang sa girls ang ibang Estrada) pero never na pisikal.

Kaya sana ay itama ni Andi ang statement na iyon – napapaisip kasi ang sambayanan kung anong klaseng pananakit ang tinutukoy niya noong sila pa ni Jake.

“Obvious namang hindi siya kailanman nakatikim ng kahit sampal man lang kay Jake dahil sa pagkakilala namin kay Jake ay mapagmahal iyan. Magalang sa babae, grabe ang pagmamahal niyan sa kaniyang mommy.

Kaya never niyang magawang manakit ng babae physically. “Kung feeling ni Andi ay emotionally battered siya kay Jake, linawin niya, huwag yung floating na statement kasi nga it sends a wrong signal to the public.

And even emotionally, kung nasaktan man ni Jake si Andi emotionally, hindi niya ito kagustuhan o sinasadya. May pagkamasokista lang kasi si Andi. She seems to love being hurt.

“Sinasaktan niya ang kaniyang sarili. She seems to be enjoying being hurt. Kahit sa mga pananalita niya, sa mga posts niya sa social media, malalim siya.

Cute to a certain extent pero at the end of the day, actually sarili lang niya ang sinasaktan niya. Like for instance, itong huling break-up nila ni Jake, kahit nagpapaligaw na siya sa partner niyang si Bret Jackson ay halata namang umaasa pa siyang balikan ni Jake.

Yung parang nagpaparinig palagi. “Nauunawaan naman natin na mahirap talagang makalimutan ang true love, sabi nga, first love never dies.

May feeling nga ako na mahal pa rin naman siya ni Jake kaya lang napagod na siguro ang binata sa mga kadramahan niya.
“Hayaan na nga lang natin sila, alam na naman siguro nila ang mga pinaggagagawa nila.

Kakaloka lang yung statement kasi ni Andi na sinaktan daw siya ni Jake!” pagtatanggol ng isang netizen kay Jake.
In fairness naman to Jake, kita niyo naman, wala siyang reaction sa mga pinagsasabi ni Andi.

Tahimik lang siya at patuloy ang buhay. Walang narinig si Andi na comment from this young gentleman. Bisi-bisihan lang siya sa sarili niyang buhay. I don’t know lang kung graduate na si Jake – parang hindi pa naman.

Sa pagkakaalam ko, kumukuha ito ng Political Science sa Singapore. Or baka mali lang ako kasi nitong mga nakaraang holidays ay parang namataan ko siya rito sa Manila. Wala na akong narinig regarding his studies.

Matanong nga si Laarni about this.

Read more...