Pokwang, US actor may ginawang ‘milagro’ sa shooting

pokwang
IBINUKING ng director na si John-D Lazatin ang special closeness ni Pokwang sa American leading man niya na si Lee O’Bryan sa unang pelikula na ipalalabas ng Star Cinema this year, ang “Edsa Woolworth” produced by TFC.

When asked kung may nabuong romatic relationship off-cam si Pokwang kay Lee, ani  Direk John, “Oo, meron. Ha-hahaha!”
Tingin ni Direk John nakita niya agad ang chemistry ng dalawa on the first day pa  lang ng shooting nila sa San Francisco.

“First day, sasabihin ko na sa inyo, gusto niyang i-pack-up ang shooting kasi kabado siya. Dinadaga siya sa haba ng monologue at talagang sinabi niya can I change the sequence for the day? Ibahin ko raw.

Sabi ko, ‘Mars, ang laki ng restaurant set-up. Tapos parating na ‘yung leading man mo.’ Sabi niya, ‘Direk, hindi ako ready sa monologue na ganito kahaba sa English.’ And I said, ‘Kaya mo ‘yan. I walk you through.

Gagabayan kita,” pagbubunyag ni Direk John.Noong dumating daw si Lee sa set, pa-girl nang pa-girl lang daw si Pokie hanggang sa tinawag niya ang kanyang mga artista sa movie at ipinakilala sila sa isa’t isa.

“Syempre kilala na rin ni Lee si Pokwang kasi sikat na sikat na rin si Pokwang, ‘di ba? So, na-Google na niya. Naloka siya kung gaano na karami ang images and so on and so forth.

So, you know, I knew it, e, kasi kilala ko siya, kinilala ko ‘yung lalaki. Para akong nag-match maker. Ha-hahaha! Kasi, from a chemistry stand point kikilanin mo, e. Tapos single siya! Ha-hahaha!”

Look away na lang lang ang drama ni Direk John kapag nakikita niya na may ginagawang something sina Pokie at Lee.
“They were very comfortable, e. Malambing si guy.

E, syempre si Mamang din naman, ‘di ba? In fairness naman parang you know, ma-touchy-feely si guy. Sweet sila,” aniya pa.
Una naming nakilala si Direk John when we were invited sa TFC office nila sa Redwood Shores sa San Francisco noong 2005.

There I met ang head ng TFC na si Raffy Lopez and their other executives kabilang na si Direk John as his day job sa Bay Area sa Sanfo. Meron din daw kasi siyang local production business for TFC doon.

“Hanggang Wednesday lang ako dito sa Pinas. Kasi meron akong kailangang tutukan, ‘yung release ng ibang Star Cinema movie. Alam mo, maswerteng may mga offer.

So, nakakakilig na may mga offer. Pero I mean, I’m in a good spot, in my personal and professional life!” Dagdag pa niya, “Saka tumatanda na ako. Hindi na rin ako, ‘yun parang dati baby-baby tayo, sweet-sweet, romcom-romcom.

Eto medyo, after ‘A Mother’s Story’, living abroad changed my life. Saka, I’m in a relationship right now.” American din daw ang kanyang boyfriend sa US kaya relate na relate siya sa kwento ng “Edsa Woolworth” na showing na bukas, Jan. 14.

Read more...