Utos ni Heart sa Fashion Designer: Talbugan daw ang gown ni Marian

heart evangelista

Natapos na ang painting exhibit ni Heart Evangelista sa Chan Hampe Galleries sa Singapore.

Mukhang maraming nabentang paintings si Heart at talaga namang world-class ang kanyang mga paintings. Kung hindi ba naman world-class ay makakapag-exhibit ba naman siya sa ibang bansa, ‘di ba?

By now ay ang forthcoming wedding naman kay Sen. Chiz Escudero ang inaasikaso ni Heart. Saw a photo of her and Sen. Chiz sa kanyang Instagram account na magkayakap sila habang nasa tabing dagat.

It was so romantic and it genuinely showed that they are in love with each other. Nabasa namin ang isang blind item about Heart sa isang popular website and it said that the actress wants a fabulous gown para matalbugan ang isang celebrity na kakakasal lang.

Gusto raw nitong merong lace ang kanyang wedding gown. Naloka na lang daw ang aktres when her fashion designer told her pointblank na kung gusto nito na bongga ang kanyang wedding gown ay magpunta na lang ito sa isang designer na bigger brand kaysa sa tumahi sa wedding gown ng isang aktres.

Actually, ang peg pala ng wedding designer kay Heart ay parang isang Hollywood actress na nakasuot ng piña dahil the designer considered the would-be-groom in her design.

Kilala kasi ang piña sa probinsiyang pinanggalingan nito. Hindi lang ako sure kung sinunod ni Heart ang advice ng fashion designer.

Read more...