April Boy nakaligtas nga sa Cancer pero biglang nagdugo ang mga mata

april boy regino
Matindi ang pinagdaanang paghamon ni April “Boy” Regino nu’ng mga nakaraang buwan. Dineklarang ligtas na siya sa una niyang sakit, ang prostate cancer, pero nagkaroon naman siya nang matinding problema sa kanyang mga mata.

Pabalik-balik siya sa ospital dahil nagdudugo ang mga mata ng tinaguraing Jukebox King at Idol Ng Bayan, napakalaking problema nu’n para sa kanyang pamilya, mabuti na lang at naagapan ‘yun nang mas maaga.

Palaging nagdaraos ang pamilya ni April Boy ng prayer meeting sa kanilang bahay, sama-sama silang nagdarasal para sa kanyang paggaling, naging matagumpay naman ang kanyang operasyon at ngayon ay malinaw na siyang nakakakita.

“Grabe po ang nangyari, hindi namin inakala na mangyayari ang ganito sa kanya. Akala namin, e, tuluyan na siyang mabubulag. Maraming salamat sa Diyos, sa mga kasamahan namin na nagdarasal.

“Maraming salamat sa tulung-tulong na paggamot sa kanya ng mga nilapitan naming doktor,” pasasalamat ni Madel de Leon, misis ng Jukebox King.

Aminado sina April Boy at Madel na bukod sa medical team na gumamot sa singer ay napakalaki pa rin ng naitulong ng pag-inom ni April Boy ng mga produkto ng Sante’ Pure Barley sa mabilis niyang pagrekober.

“Hindi po niya itinigil ang Barley juice, regular pa rin ang pag-inom niya, pati ang mga capsule. Malaki po ang nagawa ng Barley sa pagbuti ng sitwasyon niya,” dagdag ni Madel.

Isang mabilis na paggaling para kay ABR.

Read more...