ABS naka-jackpot kina Enrique at Liza

enrique gil
NAKA-JACKPOT na naman ang ABS-CBN sa trending loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano. Isa sa mga toprating shows ngayon ng Kapuso network na talagang pinag-uusapan ng buong mundo ay ang Forevermore ng dalawang bagets.

Winner na winner pa rin sa labanan ng national TV ratings ang nangungunang kilig-serye sa primetime TV na Forevermore sa kabila ng pagkakaroon ng bagong katapat na programa.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Jan. 5), nakakuha ng national TV rating na 23.6% ang seryeng pinagbibidahan nina Enrique at Liza kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng magka-loveteam sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang serye gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

In fairnes, mula nang umamin si Enrique na may feelings na siya for Liza ay mas lalong dumami ang supporters nila. Sey kasi ng binata nang tanungin kung nade-develope na ang feelings niya sa kanyang partner, “To be honest, opo, meron, meron.”

Dugtong pa niya, “Siguro minsan napi-feel niya… sa mga simpleng bagay (tulad ng) pag-alalay.”  Nu’ng 17th birthday ni Liza last Jan. 2 sinorpresa ni Enrique si Liza sa taping ng kanilang serye at binigyan pa ng kuwintas na may pendant na letter “H” – Hope kasi ang tunay na pangalan ni Liza.

Samantala, ngayong inanunsyo na si Julius (Kit Thompson) bilang bagong vice president ng Grande Hotel, maiisipan na ba ni Xander (Enrique) na bumalik at makipagkasundong muli sa kanyang pamilya o kontento na siya sa simple ngunit masayang buhay niya kasama ni Agnes (Liza) sa Sitio La Presa.

Patuloy na damhin ang saya at pait ng unang pag-ibig sa Forevermore, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dream Dad.

Read more...