Nueva Ecijano wagi ng P160M

lotto for site

SA Nueva Ecija tumaya ang nanalo ng P160 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Linggo.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 38-31-19-13-34-06.
Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Zaragosa, Nueva Ecija.
Nagkakahalaga ng P56.4 milyon ang itinaya para sa naturang bola. Nanalo naman ng tig-P60,060 ang 47 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P890 naman ang 2,535 mananaya na naka-apat na numero at ang balik-taya ay 47,283 mananaya.

Read more...