Eto ang wish ko kay Pope…

pope in the ph

SA nalalapit na pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas, ise-share namin sa inyo ang naging tugon ng ilang celebrities nang tanungin kung ano ang hihilingin o ibibigay nila sa Santo Papa kung bibigyan sila ng pagkakataong makaharap ito. Narito ang pagpapatuloy ng panayam.

Dennis Trillo:

“Since he has this unique connection to God, at alam naman nating lahat na tinatawag siyang People’s Pope, I would ask him to include the Filipino people in his prayers.

Napakarami na kasing nangyayaring kalamidad sa bansa natin kaya hihilingin ko sa kanya na ipagdasal tayong lahat na ilayo sa mas matitinding sakuna o trahedya.

Personally, wala na talaga akong hihilingin pa sa kanya because I’m already very fortunate. Napakaraming blessings na dumating sa buhay ko at sa family ko.

“I just know that Pope Francis is an icon, even for non-Catholics. At kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makaharap siya at makausap, I’d be the luckiest person so I would be embarrassed to ask for any personal favor.

Siguro ang tanging masasabi ko lang, sana lagi niyang isama sa kanyang mga dasal ang Pilipinas.

JC de Vera:

“I would ask him to pray that God give his people, especially the Filipinos, strength to endure all hardships.  “I would also ask him to pray for me so I could continue to work more effectively as an actor and businessman.

At siyempre, hihilingin ko sa kanya na sana’y ipagdasal din niya ang pamilya ko na laging ligtas at maayos ang kalusugan.

Read more...