ALASKA ACES NAKUBRA ANG 2-1 BENTAHE

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska Milk vs San Miguel Beer
(Game 4, best-of-seven finals)

BUMANGON ang Alaska Aces mula sa 21 puntos na paghahabol para pabagsakin ang San Miguel Beer, 78-70, sa Game Three ng PBA Philippine Cup best-of-seven Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang panalo ay nagkaloob din sa Alaska Milk ng 2-1 bentahe sa kanilang pagkampeonatong serye.

Naghabol mula sa 21 puntos na kalamangan ng Beermen bago magtapos ang ikatlong yugto, 61-40, biglang nagsagawa ng 20-1 ratsada ang Aces sa pangunguna nina Sonny Thoss, Dondon Hontiveros at Chris Exciminiano sa ikaapat na yugto para maagaw ang kalamangan at maitakas ang panalo.

Nalimita rin ng depensa ng Alaska Milk ang San Miguel Beer sa anim na puntos kabilang ang isang field goal sa huling yugto ng laro.

Pinangunahan ni Calvin Abueva ang Aces sa itinalang 16 puntos at 15 rebounds.

Si Arwind Santos ay gumawa ng 20 puntos at 11 rebounds para muling pamunuan ang Beermen.

Read more...