Hamon sa BIR: Imbestigahan ang kasalang Dingdong-Marian

dingdong dantes chiz

Ay naloka naman kami sa nabasa naming palitan ng intriga ng ilang netizens patungkol pa rin sa “wedding war” nina papa Dingdong Dantes-Marian Rivera at Sen. Chiz Escudero-Heart Evangelista.

Dahil nagsalita nga ang wedding coordinator ng kasalang DongYan, aba’y may ilang  inggiterong kinu-call ang attention ng BIR upang maimbestigahan daw ang naturang kasalan kung saan umabot daw ng milyun-milyon ang ginastos ni Dong.

“Paging BIR, tama kaya ang mga taxes na binayad nila sa mga dapat na bayaran?” intriga ng isa. Pero ang talagangikinaloka namin kapatid na Ervin ay yung pasaring sa nalalapit na kasalang Chiz-Heart, na diumano’y “matipid” ang pralala hindi dahil natatakot maimbestigahan ang pagiging pulitiko ng senador, kundi dahil daw sa “dami” ng mga “sponsors” ng kasalan mula sa libreng venue, hanggang sa reception at mga pagkain at iba pang pagkakagastusan.

“Hindi kaya natakot o natutukan ng impluwensya ang mga ito (ng senador) gaya ng nakakagawiang practice kapag may eleksyon? Mas dapat imbestigahan ito dahil public servant si Chiz at baka dahil sa dami ng sponsors sa kasal nila ni Heart ay malagay pa siya sa alanganin,” ang nakakabaliw na pang-iintriga pa ng isang netizen.

Talaga namang nakakatimbuwang ng ulirat ang mga ganitong intriga. Ha-hahahaha!

Read more...