Ella Cruz palaban, susunod sa yapak ni Cristine Reyes

ella cruz

DAHIL sa galing ng akting na ipinapakita ni Ella Cruz bilang batang ina sa seryeng Bagito na pinagbibidahan din nina Nash Aguas at Alexa Ilacad, marami ang nagsasabing posibleng siya na ang pumalit sa tronong iniwan ni Cristine Reyes sa ABS-CBN bilang sexy drama actress.

Sa thanksgiving presscon ng Bagito kamakailan, puro papuri ang ibinigay sa tatlong bidang bagets ng serye, lalo na kay Ella na ibang-iba talaga ang ginagampanang karakter sa soap bilang si Vanessa.

Puro positive comments ang nababasa namin patungkol kay Ella sa social media dahil sa pagganap niya bilang college student na nabuntis ng isang 16-year-old (Nash Aguas).

Isa sa mga komento na nabasa namin sa isang fan page, pwedeng-pwede raw si Ella na pumalit kay Cristine bilang magaling at palaban sexy actress. Pero ayon sa dalaga, “Ay, matagal-tagal pa po ‘yan siguro.”

Hindi naman daw sa ayaw niyang sundan ang yapak ng sisteraka ni Ara Mina, ani Ella, “Sa ngayon po, masyado pa pong maaga para mapunta sa gano’ng level agad.”

Dahil sa tumatak na image niya ngayon sa seryeng Bagito, tuluy-tuloy na ba ang pagtanggap niya ng mas mature na role? “Gusto ko pa rin po ng pa-sweet pero mas gusto ko po ng challenging. Kasi po ‘eto, nasimulan ko na po siya.

“Feeling ko kapag bumalik ako sa pa-sweet, maraming magsasabi na, ‘Nagpa-sexy ka na. Bakit ka bumalik sa pa-sweet?’ Yun nga po basta maganda yung role,” sey ng dalaga.

Ano pa ang mga pasabog ni Vanessa sa Bagito, tuloy pa rin ba ang panunukso niya sa mga guys sa pamamagitan ng pagsusuot ng seksing damit sa serye? “Hindi naman po siguro sexy.

Medyo nag-tone down na nga po si Vanessa dahil nabuntis na siya. Less show na ng skin. And siguro po, I think it’s time na rin kasi 18 na ako. Kahit paano may level-up. Hindi yung palaging pa-sweet lang.

“Akala ko nga po maraming babatikos sa pagdadamit ko nang sexy. Nakita ko, mas marami pa palang natuwa tapos maraming nag-idol kay Vanessa na parang, ‘Uy, ang ganda ng peg ni Vanessa!'” chika pa ni Ella.

“Hindi ko naman po intensyon talaga (na magpa-sexy). Dahil lang naman sa Bagito kaya medyo ayun nga po, nag-sexy. Ayaw ko pong sabihing super sexy, medyo sexy lang po.

Sinasabi rin naman po nila na, ‘Nag-sexy ka na, pag nag-tweetums ka parang ang layo from Vanessa.’ As long as okey pa, may limitasyon pa rin po talaga,” paliwanag pa ng dalaga.

Read more...