Sey mo Claudine: Jennylyn payag maging dyowa si Raymart

raymart santiago
Kung bibigyan ng chance, payag si Jennylyn Mercado na maging boyfriend ang leading man niya sa bagong GMA Telebabad series na Second Chances – si Raymart Santiago.

Inaasahan nang mali-link sa isa’t isa ang dalawang Kapuso stars sa pagsisimula ng kanilang soap opera ngayong gabi at handa na raw sila sa mga ganitong intriga.

“Bakit hindi? Mabait naman siya, responsable naman siya,” ang sagot ni Jen nang makorner ng mga reporter after ng presscon ng Second Chances at matanong kung pasado ba si Raymart sa kanya bilang boyfriend.

Sa interview naman kay Raymart, sinabihan daw nito si Jennylyn na hindi pa siya handang makipagrelasyon, “Napakaarte niya!” ang pasigaw na biro ng MMFF 2014 best actress.

Kuwento pa ni Jen, makuwento at masayang kasama si Raymart kaya lagi lang silang masaya sa taping kahit mabibigat ang kanilang mga eksena.

Naku, hindi kaya mag-react na naman si Claudine Barretto sa pagli-link sa nakahiwalay niyang asawa at kay Jennylyn? Alam n’yo naman ang lola Claudine n’yo!

Read more...