Nash Aguas, Alexa Ilacad umaming gusto ang isa’t isa

nash aguas alexa
MAKAKATULONG pa rin talaga kapag nali-link sa isa’t isa ang dalawang artista dahil nagiging daan ito para maging inspirasyon nila ang isa’t isa.

Naging cliché na kasi sa showbiz na kapag may bagong programa o pelikulang pino-promote ay inili-link ang mga bida na ikinaiinis naman ng iba, lalo na kapag hard sell.

Pero iba nga ang dating ng mga bida sa seryeng Bagito na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad dahil nakakatulong pala sa kanila kapag tinutukso sila.

Inamin din ng dalawang bagets na totoong crush nila ang isa’t isa. Ang paliwanag ni Nash, “Siguro kasi dahil nga magkaibigan na kami dati at sobrang close kami ngayon, so parang nakakatulong kasi, in the sense po na walang ilangan.

“Tapos, lahat po ng ginagawa naming scenes na pinapalabas po ngayon, yung mga kilig-kilig, actually nakaka-enjoy po siyang gawin, nakakatuwa po siyang gawin and parang naglalaro lang po kami, ganu’n.

“Sobrang enjoy po kasi ng mga eksena namin, eh, kung mapapanood n’yo po this week ‘yung kaming dalawa ni Camille (Alexa), tapos ‘yung struggle ko po du’n sa anak ko,” sabi pa ni Nash.

Ang maganda pa sa dalawang bida ng Bagito maski na crush nila ang isa’t isa ay hindi nila ito sineseryoso. Inamin din ni Alexa sa magulang niya na crush niya si Nash.

“Kasi di ba, kailangan maging open sa parents, para ma-guide. Eh ganu’n po kami ng mommy ko, lahat po sinasabi ko talaga,” pagtatapat ng dalagita.

At dahil maganda ang resulta sa ratings game ng Bagito at maayos din ang kanyang personal na buhay, pati ang family niya kaya talagang nagpapasalamat sa Diyos si Alexa.

“Pag sinasabihan kami na, ‘Uy, sikat na kayo, ang galing-galing n’yo’, we just keep on saying, ‘thank you po’,  pero ‘yung mga compliments po na ganu’n, ginagamit namin para i-push harder ‘yung pagtatrabaho namin dito para mas mapaganda po ‘yung show,” pag-amin ng dalagita.

Para kay Nash naman, “Simula po kasi nang bata, hindi ako nagkaroon ng teleserye, first ko po ito. And una po, nang sinabi po na Bagito na batang ama, sobra po ang kaba ko kasi parang first ko siya and medyo kontrobersyal pa nga po, so parang 50-50 kung tatanggapin ng tao.

“So, nu’ng tinanggap, talagang sobrang relief, and sobrang saya kasi parang nag-worth po and lahat ng pagod ko and pagod naming lahat sa set, ng staff and crew and ng directors po ay talagang sulit na sulit po kaya sobrang saya and thankful kay Lord,” ani Nash.

Sa ganda ng kuwento ng Bagito ay may book two na ito, “Kumbaga, parang level-up po ang story ngayon. Kung last year, maraming pasabog na nangyari, mas may ibubuga pa pala ‘yung teleserye, mas maraming dapat abangan, and dapat abangan n’yo na dahil bumalik na si Vanessa (Ella), kung ano ang mangyayari sa baby namin,” kuwento pa ni Bagito.

At isa pang ikinasasaya ng NLex loveteam ay dumami raw ang supporters nila, “Nakakatuwa po kasi, dati po, ‘yung market namin, ‘yung mga fans namin ni Alexa, mga bata, teen-ager, siguro mga 14 hanggang 16, pero ngayon po, pati mga lola, kapag naga-ASAP ako, tinatanong nila kung kumusta na kami ni Camille,” masayang kuwento ng binatilyo.

Samantala, upang mas makapagbigay ng gabay sa TV viewers, makikipagtulungan ang Bagito sa institusyon na Center for Family Ministries (CEFAM) para sa pagbubukas ng Bagito Hangout online forum kung saan maaaring magtanong at humingi ng payo ang netizens sa counselors ng CEFAM.

Ito ay magsisimula na sa Enero 19 (Lunes), mula 6:30 p.m. hanggang 7:30 p.m.. sa   https://bagito.abs-cbn.com/hangout.
Bukod kina Nash, Alexa, at Ella ay kasama rin sa serye sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino.

Kasama rin sina Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang mga miyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez at Brace Arquia. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Onat Diaz at Jojo Saguin.

Huwag palampasin ang pagbukas ng bagong kabanata ng teleseryeng magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, bago mag-TV Patrol, handog pa rin ng Dreamscape Entertainment.

Read more...