Pacman: Magdi-dinner lang kami ni Prince Harry sa England!

manny pacman
Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati, nakikita lang ni Congresman Manny Pacquiao ang Golden Gate sa takip ng notebook, nababasa lang niya at nakikita ang retrato ng Buckingham Palace sa mga magazines, pero ngayon ay personal na niyang maiikot ang itsura ng Palasyo sa London.

At magdi-dinner pa siya sa Buckingham Palace kasama ang bunsong anak ni Prince Charles at ng namayapang si Princess Diana na si Prince Harry ng Wales.

Parang wala lang na kuwento ni Pacman, “Magdi-dinner lang ako sa England kasama si Prince Harry, tapos, mag-iikot lang kami sa Buckingham Palace.

Sadyang wala ngang makapanghuhusga sa kinabukasan ng tao. Sino nga ba ang mag-aakala na ang batang GenSan na dati’y nagtitinda lang ng pandesal at nangangahoy sa kanilang mga kabundukan ay iimbitahan pa pala ngayon para makapaghapunan sa Palasyo ng Inglatera?

Ganu’n kamapaglaro ang kapalaran. Sikat na sikat na kasi ang Pambansang Kamao, buong mundo na ang nakakakilala sa kanya, siguradong kahit si Prince Harry ay nanonood din ng mga laban niya.

“Maiikot ko na ang Buckingham Palace, sa mga magazine ko lang kasi ‘yun nakikita,” sabi pa ni Pacman.

Read more...