Willie di iniwan nina Mike at Joey; bagong show sa GMA kasado na

wilie revillame
Mukhang plantsado na ang pagbabalik ni Willie Revillame sa GMA 7.

When a photo of him, Joey de Leon and Mike Enriquez surfaced in one popular website, ang daming reactions ang aming nabasa.

Although marami ang against sa idea na ilagay si Willie sa GMA show, marami-rami rin naman ang kumbinsidong merong magagawa ang TV host para iangat ang naghihingalong ratings ng Kapuso network.

May nagsabi pa nga na tsugihin na ang Sunday All Stars at ipalit na ang show ni Willie. “Put him every sunday afternoon. Tutal di nagre-rate ang SAS, put him on the ASAP timeslot! Once a week lang para di siya stressed,” one fan said.

“Good job mike and joey!! do your best to help other people and God will do the rest,” say naman ng isa pa. “His personality and attitude aside, he might be what GMA needs to help boost their programming,” paniwala ng isang maka-Willie.

“Gusto nila palakasin ang gma tv overseas…malakas hatak ni willie sa ofw,” said another guy. “Even if he has his own vices, lets admit it na malakas pa rin ang kapit niya masa.

Kahit ang matatanda at may sakit dumadayo para makita siya. Lets see what he can do,” observed one fan. Actually, marami ang naghihintay ng pagbabalik ni Willie sa TV.

Tiyak na marami na naman ang kanyang matutulungan kasi napaka-generous naman ng TV host.

Read more...