Angelica naghahamon: Ginawang katatawanan si Angel

angelica panganiban
Mukhang burado na talaga ang issue sa pagitan nina Angelica Panganiban at Angel Locsin. Kung matatandaan nagkaroon ng matinding away ang dalawa matapos magkapersonalan noon habang ginagawa nila ang pelikulang “One More Try”.

Kamakailan naman, naintriga uli ang dalawa nang mag-post si Angelica sa kanyang Instagram account ng isang mensahe patungkol sa isang artistang nagpupumilit maging komedyante.

Marami ang nanghula na si Angel daw ang pinatatamaan ng dyowa ni John Lloyd Cruz pero dinenay ito ni Angelica.
Pero nu’ng Sabado nga ng gabi sa gag show na Banana Nite, pinatunayan ni Angelica na okay na sila talaga ni Angel matapos nitong gayahin ang GF ni Luis Manzano sa isang segment ng programa.

Laugh kami nang laugh dahil kuhang-kuha ni Angelica ang kilos at tawa ni Angel. Naniniwala kami na kung meron pang away ang dalawang aktres, hindi magagawa ni Angelica na i-impersonate si Angel, dahil tiyak na mabibigyan iyon ng malisya.

Pero may nagsabi naman na baka raw muli itong pagmulan ng away dahil ginawa ngang katawa-tawa ni Angelica ang dyowa ni Luis.

Read more...