Iñigo, Julia bagay maging magdyowa

julia barretto
KUWENTO ng pag-ibig, pamilya, at mahika ang ibabahagi sa TV viewers ng Kapamilya showbiz royalties na sina Julia Barretto at Iñigo Pascual simula ngayong gabi (Enero 11) sa pagsisimula ng pinakabagong Wansapanataym special na pinamagatang Wish Upon A Lusis.

Sa kwento, gagampanan ni Julia ang karakter ni Joy, isang dalagitang ulila na walang ibang nais kundi ang magkaroon ng pamilyang magmamahal at tatanggap sa kanya.

Ngunit sa kabila ng kanyang kalungkutan, mahahanap ni Joy ang kanyang tanging kaligayahan sa katauhan ng sikat na artista na si JP, na bibigyang-buhay naman ni Iñigo.

Anong pagbabago ang mangyayari sa buhay ni Joy sa oras na makilala na niya nang personal ang iniidolong si JP sa tulong ng isang magic lusis? Matutulungan ba nila ang isa’t isa na matupad ang kanilang wish na mahanap ang pagmamahal ng magulang na matagal na nilang inaasam-asam?

Tampok din sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes at Ana Roces.

Ito ay sa panulat ni Joel Mercado at sa direksyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos. Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Wansapanataym special nina Julia at Iñigo ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

Samantala, marami ang nagsasabi na malakas ang chemistry nina Iñigo at Julia kaya nagustuhan din ng mga manonood ang kanilang tambalan. Patunay nga riyan ang mataas na rating ng ginawa nilang episode sa Maalaala Mo Kaya kamakailan.

Ang tanong lang, hindi kaya mauwi rin sa totohanan ang relasyon ng dalawang bagets? ‘Yan ang dapat nating abangan.

Read more...