Masuwerte ang ABS-CBN dahil trending palagi ang Bagito na nasa book 2 na. Pawang magagaling pa ang mga bidang sina Alexa Ilacad, Nash Aguas at Ella Cruz.
Although relatively young to play a young dad, nagampanan ni Nash ang role niya nang buong husay. He is incomparable, may nuances ang kanyang acting, he’s breathed life to his character with exceedingly right emotions.
“Noong una po kasi, medyo naninibago po ako sa character pero eventually, habang tumatagal maski ako mismo ay nadadala. Napi-feel ko kung ano ang dapat ma-feel niya, sinasabuhay ko po.
Minsan kahit hindi naman kailangang umiyak pero kapag talagang masakit na sa damdamin naiiyak na lang akong kusa. So parang matindi lang po ang imagination ko sa role ko,” say ni Nash.
Since he’s still young, maraming natutunan si Nash mula sa kanyang mga magulang, foremost of which was, “Yung ‘pag nagkamali ka ‘wag kang ma-stuck na lang doon at ‘wag ka nang mag-move on.”
“Kapag tinama mo at ginawan mo ng solusyon or bumawi ka sa maling nagawa mo ay mas matutuwa pa at mas hahanga sa ‘yo ang mga tao kasi nagkamali ka at kaya mong bumangon,” say niya.
We believe na matindi ang epekto ng seryeng ito sa lahat ng magulang at sa kanilang mga anak dahil talagang nangyayari ito sa totoong buhay. Takot lang nilang makabuntis agad ang anak nila, di ba?