2015 UFCC cock circuit susulong na

MATAPOS ang kanilang matagumpay na stag circuit, ang mga kasapi ng Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC) ay muling maghaharap sa ibabaw ng rueda at magtutuos para sa pinakahihintay na 2015 UFCC 6-cock 12-Leg Challenge na magsisimula sa darating na Lunes, Enero 12, para sa una sa labindalawang one-day 6-cock na labanan.

Pinamumunuan nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos at Engr. Sonny Lagon, kabilang din sa UFCC sina Ramon Atayde, Gov. Eddie Bong Plaza, Max Roxas, Ka Luding Boonggaling, Carlos Tumpalan, Bebot Roxas, RJ Mea, Eddie Boy Villanueva, Maam Osang dela Cruz, Alex Tang, Ricky Magtuto, Cong. Peter Unabia, Pido Jarencio, Gerry Teves, Nad Mendoza, Alla Syiaco, Mayor Boyet Joson, Beng Joson at marami pang iba.

Handog ng UFCC, ang matinding labanan na ito ay ginaganap sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum, Resorts World-Manila at Solaire Resorts & Casino.

Ang pagsusumite ng timbang (1.900-2.450 kgs) ay gaganapin bukas mula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Ang entry fee ay P55,000 samantalang ang minimum bet naman ay P33,000.

“Mas malaki at mas maganda ngayon. Tsaka lahat ng laban natin sa Araneta (Coliseum) na,” pahayag ni Ang.

Read more...