KC sa relasyon nila ni Paulo: Ayoko pang i-announce hangga’t hindi pa seryoso!

kc concepcion
TILA nagparinig si KC Concepcion kay Paulo Avelino nang sagutin ang tanong ng isang follower niya sa Twitter patungkol sa kanyang lovelife.

Nagkaroon ng chance ang fans ni KC na makapagtanong sa Kapamilya actress nang naglunsad si KC ng question-and-answer portion sa kanyang official Twitter account na tinawag niyang “#AskKC.”

In fairness, ang daming nagtanong kay KC ng tungkol sa kanyang personal na buhay na game na game namang sinagot ng TV host-actress. Isa na nga rito ang pang-uusisa ng isang fan kung meron na siyang boyfriend ngayon.

Ayon kay KC ayaw niya munang ibandera ito sa madlang pipol hangga’t hindi siya sigurado. Hindi man niya diretsong pinangalanan kung sino o kanino siya hindi sure, obvious namang si Paulo ang kanyang tinutukoy na katambal nga niya ngayon sa Give Love On Christmas Presents Exchange Gift sa ABS-CBN.

“Ayokong i-announce hangga’t hindi pa serious,” ang maikli ngunit makahulugang pahayag ni KC na sa palagay ng marami ay isang patama kay Paulo.

Isa raw itong paalala sa aktor na kailangang mag-effort pa siya sa panliligaw kay KC para sagutin na siya. Dagdag pa ng aktres  ipinagdarasal niya lagi na sana kung sinuman ang magiging boyfriend niya ay ito na rin ang magiging asawa niya.

Samantala, inabangan at mainit na pinag-usapan ng viewers at netizens ang pagsisimula ng ikatlong kwento ng hit Kapamilya Christmas TV special na Give Love on Christmas nina KC at Paulo.

Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Enero 5), wagi ang pilot episode ng Exchange Gift taglay ang national TV rating na 12.4%, o limang puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na The Ryzza Mae Show (7.2%).

Bukod sa ratings, panalo rin ang Exchange Gift sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang hashtag na #GLOCExchangeGift dahil sa mga nakakakilig na eksena ng mga karakter nina KC at Paulo na sina Anna at Christian.

Samantala, tiyak na mas kapananabikan ng viewers ang huling linggo ng Exchange Gift ngayong nagpakasal na sina Anna at Christian. Paano haharapin nina Anna at Christian ang bagong kabanata ng kanilang relasyon ngayong matututunan na nilang hindi madali ang buhay may-asawa?

Magagawa ba nilang tuparin ang mga pangakong binitiwan nila sa oras na dumating ang malalaking pagbabago sa kanilang pamilya? Huwag palampasin ang pagpagpapatuloy ng Exchange Gift ng Dreamscape Entertainment bago mag-It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.

Read more...