Pokwang ilang taon nang tigang, ayaw magdyowa habang nag-aaral ang anak

pokwang
NAGPAKA-GIRL na girl si Pokwang sa hitsura niya sa grand presscon ng pelikula niya na opening salvo ng Star Cinema for 2015, ang “Edsa Woolworth” directed by John D Lazatin produced by The Filipino Channel (TFC).

Maybe she’s just inspired to see again her leading man sa movie, ang American actor na si Lee O’Brian na dumating din sa presscon. Lumipad pa galing ng Amerika si Lee and the other American guy na gumanap naman bilang stepfather ni Pokwang sa movie na si Stephen Spohn.

“Kinakabahan ako in a way na syempre unang-una, ‘Naku, ano na naman ba ‘to? Hilung-hilo na naman ako. Nosebleed na naman ako. Pero meron din akong nakuhang lesson sa mga nakatrabaho ko like si Papa Frankie and Chad, napaka-professional nila.

Ang dami ko ring hugot na nakuha sa kanya pagdating sa drama scene dahil napakahusay,” kwento ni Pokwang sa kanyang experience with foreign actors.

Tender care, loving care and care bear daw ang ginawang pag-aalagang ginawa sa kanya ni Lee sa shooting nila sa San Francisco, USA. In return, ipinagluto ni Pokwang ng kanyang masarap na adobo si Lee. Pero syempre, hindi lang si Lee ang pinatikim ni Pokwang ng kanyang adobo kundi ang buong cast ng “Edsa Woolworth.”

Malaki ang naging bahagi ng adobo kay Pokwang habang ginagawa niya ang movie, “Kasi ‘di ba ‘pag alam nila na nagkakabisa ako ng linya, hindi nila ako pinagkakausap.

Nape-presure ako. So, binibigyan nila ako ng time na kumalma. Binibigyan ko naman sila ng adobo,” tsika  niya. Bukod sa nosebleed siya sa mga linya niya sa movie na pawang nasa wikang Ingles, kinabahan din daw si Pokwang sa kissing scene nila ni Lee.

“‘Yung kaba, totoo naman pala ‘yun. Noong bandang huli na eto na, tara na, wala nang usap-usap. Pak! Pak! Pak! Tsaka sobrang na-enjoy talaga namin ‘yung shooting lahat.

For 22 days, walang stress, ang saya naming lahat. Kahit nga itulak ako sa bangin sa eksena, okey lang. ‘Yun ganoon,” ngiti niya.

Nasulat din namin before na after mag-shoot ni Pokwang ng movie ay tuloy pa rin ang communication nila ni Lee. Feeling nga namin nagpaparamdam si Lee sa kanya. So, kumusta na sila ni Lee? “We’re fine, we’re okey, yeah, we’re good.”

“The movie is about family. Ano, magbubuo kami ng family. Ha-hahaha! In fairness naman sa kanya talagang continuous ‘yung communication kahit magkalayo na kami. Lalo na nu’ng bagyo sobrang concern siya.”

Kung meron mang nagho-hold back lang sa ngayon kay Pokwang na magkaroon ng bagong lalaki sa bahay niya, este sa buhay niya, dahil ito sa kanyang anak na pinag-aaral sa mamahaling culinary school sa The Fort.

“Alam ninyo naman, ‘di ba? Tuloy lang ang friendship namin. Pagdating na lang ng panahon, baka sakali. Wow, ang arte! Chos! Teenager! Hindi ako choosy. Ano lang, alam ko lang kasi ang priority ko.”

Nakatakdang mag-dinner si Lee sa bahay ni Pokwang sa Antipolo sa Lunes. “I will cook again for you and try and try again, for everybody,” sabi niya kay Lee na katabi niya sa presscon.

Anyway, ang “Edsa Woolworth” ay ipapalabas na sa  mga sinehan nationwide on Jan. 14.

Read more...