Mocha Uson: Wala kaming ginawang krimen sa Bilibid!

moca uson
Ilang common friends namin ni Mocha Uson (leader ng Mocha Girls) ang mismong nagkumpirma na kahit pa kontrobersyal at sexy ang image ng kanilang grupo, ay disente at malalaki rin ang puso ng mga ito.

Naglabasan kasi ang mga balita na diumano’y laging nagpupunta ang Mocha Girls sa kontrobersyal ngayong New Bilibid Prison para paligayahin ang mga preso roon sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasayaw.

Hindi naman nag-deny ang grupo pero klaro nilang sinabi na minsan lang silang naimbitahan para mag-perform doon, noon pang 2012. “Two years ago pa yun at matinong performance ang ginawa namin para sa mga preso.

Maayos kaming tinanggap kahit pa nga noong una ay kabado rin kami at medyo takot. Everybody had fun and we were treated well,” pahayag ni Mocha.

Dahil nga sa mga kontrobersyang bumabalot sa Bilibid kaugnay ng mga samut-saring isyu ng korupsyon at power tripping, hindi na nakapagtatakang kahit ang mga matitinong procedures at personalidad ay nasasabit sa ganitong iskandalo.

Read more...