NAGING sentro ng tuksuhan ang pagpapakita ni Raymat Santiago ng kanyang “shirtless body” sa mga eksena niya sa Second Chances, ang bagong soap opera ng GMA 7 na magsisimula na sa Lunes.
Bukod sa mga kissing scenes nila ni Jennylyn Mercado, naging mainit na topic din ang pagsabay ni Raymart sa mga kabataang hunk actors dahil ginawa niyang paghuhubad sa serye.
“Nagkataon lang. Kinailangan sa role,” sey ng 41-anyos na aktor na in all fairness ay looking very young pa rin. Pansin nga ng marami mas naging yummy pa ang aktor mula nang maging single uli.
“Ha-hahaha! May ganyan. Hindi, mahirap lang tanggihan si direk (Laurice Guillen),” hirit pa nito sa mga narinig na pagbati tungkol sa ganda pa rin ng kanyang katawan pati na nga sa pagiging mabentang leading man pa rin sa mga serye ng GMA.
Natawa na lang si Raymart nang biruin ng press na hindi imposibleng makabingwit siya ng younger ladies dahil nga sa kanyang sexy and delicious aura!