Sulat mula kay Arlene ng Purok 4, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Problema:
1. Kagagaling lang po sa abroad ng mister ko at ayaw na niya uling sumakay ng barko.
Kaya sa ngayon ay nag-iisip kaming magnegosyo. Sabi nga po, wala daw mangyayari sa trabaho kahit abroad pa, kung hindi kami magnenegosyo. Ang kaso wala naman kaming maisip na magandang negosyo. Pero may inoper po sa akin yong pinsan ko na puwesto sa pamilihang bayan na grocery. Matagal nya na sa aking inaalok ito.
2. Ano po ba sa palagay nyong dapat naming gawin? Dapat ba naming bilin ang nasabing puwesto at kami na lang ang magpatuloy ng nasabing grocery?
Magka-Canada na po kasi ang pamilya niya nandon po kasi ang mister nya. Bagay kaya sa amin ang neosyong grocery at maaari kayang sa negosyong iyon kami yumaman? October 23, 1978 ang birthday ko at February 5, 1976 naman ang mister ko.
Umaasa,
Arlene ng Don Carlos, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Libra at Scorpio (Illustration 2.) ay nagsasabing ang kalakal na may kaugnayan sa basic needs ang magpapayaman sa inyo, tulad ng grocery o kaya’y sari-sari store sa poblacion, sa bayan o sa public market, ganon din ang pagro-rolling o pagde-deliver ng mga paninda ay siguradong magki-click sa inyong mag-asawa.
Numerology:
Ang birth date mong 23 at 5 naman ang mister mo ay nagsasabing isang babaing maganda na mahaba ang buhok na may birth date na 5, 14 at 23, ang dapat mong maging tindera o kasama sa pagtitinda, upang lalong lumakas at umunlad ang itatayo nyong grocery.
Luscher Color Test:
Pula naman ang dapat na kulay sa iyong business place upang madaling mahigop ang suwerte at magandang kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay.
Huling payo at paalala:
Arlene ayon sa inyong kapalaran ng iyong asawa na isinilang sa petsang 5 at ikaw naman ay 23, kung umpisahan nyo na ngayong 2015 sa buwan ng Marso o kaya’y Abril ang negosyong nabanggit na sa itaas, sa inyong pagtutulungan, tiyak ang magaganap pagsapit ng taong 2028 sa edad mong 50 pataas at 52 naman si mister, dahil sa negosyong sari-sari store o grocery sa poblacion, mayamang-mayaman na kayo.
Simulan na ang negosyo ngayong 2015 (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...