Horoscope, January 10, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Magpasalamat lagi kay Lord, dahil sa taong ito ng 2015 higit na mas maraming biyaya ang matatanggap. Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang pakikipag-relasyon sa isang Cancer.  Mapalad ang 4, 18, 29, 36, 40 at 48. Mahiwag mong mantra: “Aum-Gorocha-Sandapha-Om.” Green at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) –       Sa pag-ibig, kulitin ng kulitin ang iyong kasuyo, bibigay din yan. Sa pinansiyal, wag kang titigil hangga’t hindi ka yumayaman. Mapalad ang taong ito ng 2015 para sayo sa love life at sa aspetong pang-pinansyal. 3, 15, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Sa taong ito ng 2015 wag mag pautang, maaaring hindi ka na naman mabayaran. Iwasan ang sobrang awa sa kapwa na alam mo namang tatamad-tamad. Sa pag-ibig, wag sabayan ang “topak” ng kasuyo. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.”  Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Sa pananalapi, kailangang “tumango-tango” sa kausap upang masarado na ang transaksyon. Sa pag-ibig, hindi masamang magpa-under sa kasuyo paminsan-minsan. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Elshaddai.” Beige at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Sa pag-ibig at pinansyal, wag pag hinalaan ang kasuyo nang hindi maganda, sa taong ito ng 2015 ipayapa ang isipan upang mas maraming biyaya at grasya ang dumating.. Mapalad ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)-   Sa taong ito, upang magtuloy-tuloy ang suwerte manatiling tapat sa mga taong pinagkakautangan ng loob. Sa pag-ibig, ibigay ang pinakamasarap na romansa sa minamahal. Mapalad ang 4, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Yellow  at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –   Sa taong ito magnilaynilay: Ask mo ang iyong sarili: “Aanhin ang pera kung malungkot ka naman?” Hapain ang isang Libra na sayo ay tunay namang nagpapaligaya. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –        Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay! Sa simbahan ihingi ng tawad kay Lord ang mga nagawang kasalanan. Sa ganyang paraan gagaan ang kalooban. Kapag magaang ang pakiramdam  tuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 17, 2, 18, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Mohaya-Om.” Violet at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa taong ito ng 2015 ingatan ang kalusugan. Wag abusuhin ang katawan sa mga bisyo at mga pagpapasarap na wala namang kabuluhan. Kailangang humaba ang buhay, upang makapiling mo pa ng mahabang panahon ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Kuru-Om.” Yellow at magenta ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Sa taong ito upang lumigaya, wag magtanim ng galit sa halip ang itanim ay pag-ibig sa kapwa. Sa pinansyal habang natututong magpatawad at mag mahal, lalong lalago at uunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Haram-Harim”. Blue at apple green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa taong ito ng 2015 higit na kikita ng malaking halaga kung laging paiiralin ang pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang topaking kasuyo, bukas-makalawa, babait din siya.  Mapalad ang 7, 17, 29, 39, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sarvasaya-Jivanna.” Red at violet ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Kung ayaw paring magbago ang kapalaran, magpa-putol ng buhok. Sa bagong hair style, magiging masaya na ang love life, habang sa pinansyal, tuloy-tuloy na ang pasok ng wuwerte sa aspetong pang mataeryal. Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheemari-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) –  Kung nagbabalak mag-abroad, sa taog ito ng 2015 siguradong matutuloy ka. Kaya lang dahil sa hindi ka marunong mag-ipon, wala tuloy nangyayari sa kikitain sa ibang bansa. Kapag kumita ka ng malaking halaga, unahin ang pages-savings Sa ganyang paraan higit kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 7, 16, 23, 32, 38 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Bon-Voyage!” White at red ang buenas.

Read more...