PHIL YOUNGHUSBAND: Baliw na baliw po ako kay ANGEL!


AMINADO si Phil Younghusband na baliw na baliw siya kay Angel Locsin, pero wala pa raw talaga sa plano niya na pakasalan ang kanyang girlfriend.

Alam daw niya sa sarili niya na pareho pa silang hindi handa na magkaroon ng sariling pamilya.

Sa interview ng ABS-CBN online kay Phil, sinabi nitong, “We’re taking it one step at a time. We’re not trying to rush anything.

I’m very happy and when the time comes, we’ll see. But right now, we’re very happy.”

Siniguro naman ni Phil na gagawin niya ang lahat para mapaligaya si Angel kasabay ng pagsasabing sure na sure siya na magiging mabuting asawa ang aktres, “As I said before, I want a future with Angel.

That’s still the way I feel. And hopefully, I have a future with Angel.But wedding plans are too soon. Our love is getting stronger. Everyday, I’m growing more and more in love with her.”

Naniniwala rin daw ang football player na swerte sila ni Angel sa isa’t isa dahil mula raw noong magkaroon sila ng special relationship, ay nagsunud-sunod na ang blessings sa kanilang buhay – nanalo ang  Azkals sa huli nilang laban at kaliwa’t kanan naman ang natatanggap na awards ni Angel. Bongga, di ba?

Read more...