DANIEL may ibang dyowa raw sa BRAZIL

Kaya raw biglang nakipaghiwalay sa kanya si Heart

Kung may lumabas na tsikang kaya hiniwalayan ni Heart Evangelista si Daniel Matsunaga ay dahil hindi pabor ang kanyang ina rito ay meron na namang bagong anngulo sa hiwalayan ng dalawa.

May lumabas na chika sa Twitter na kaya raw nag-break ang dalawa ay dahil sa ex-girlfriend ni Daniel na muli niyang nakita when he was in Brazil recently.

A follower asked Daniel kung totoo ito, “How true kaya kayo nag break ni heart,bcoz you met your brazilian italian ex gf in brazil #rumors,” tweet busy_basher sa Brapanese model.

Medyo na-shock siguro si Daniel kaya kaagad naman itong nag-deny, “Omg where did u read that? not true 🙂 and i never had an itelian ex girlfriend for your information 🙂 God bless u,” sagot ni Daniel.

Tila pinalalabas ni Heart na cultural differences ang dahilan ng kanilang break-up ni Daniel. Hindi namin alam kung nakabalik na si Daniel from Boracay.

After kasi niyang dumating sa Pilipinas matapos magbakasyon sa Brazil ay nagtungo siya sa Bora para makapag-relax.

Teka, ano na kaya ang nangyari sa sinasabing death threats kay Daniel na siyang dahilan umano ng kanyang biglang pagpunta sa Brazil?

Sino kaya ang nagbibigay ng death threats kay Daniel, eh, napakabait namang tao nito?

Read more...