Simulan na ang negosyo ngayong 2015 | Bandera

Simulan na ang negosyo ngayong 2015

Joseph Greenfield - January 09, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Arlene ng Purok 4, Norte,  Don Carlos, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Kagagaling lang po sa abroad ng mister ko at ayaw na niya uling sumakay ng barko. Ngayon ay nag-iisip kaming magnegosyo. Sabi nga po, wala daw mangyayari sa trabaho kahit sa abroad pa kung hindi kami magnenegosyo. Ang kaso ay wala naman kaming maisip na magandang negosyo. Pero may in-offer po sa akin ang pinsan ko na puwesto sa pamihilahang bayan na grocery. Matagal niya na sa aking inaalok ito. Ano po ba sa palagay n’yo, dapat kaya naming bilin ang nasabing puwesto at kami na lang ang magpatuloy ng nasabing grocery? Magka-Canada na po kasi ang pamilya niya dahil nandoon ang mister niya. Bagay kaya sa amin ang negosyong grocery at maaari kayang sa negosyong iyon kami yumaman? October  23, 1978 ang birthday ko at February 5, 1976 naman ang mister ko.
Umaasa,
Arlene ng Don Carlos, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa may malinaw ang Guhit ng Negosyo o Business Line ang kaliwa at kanang palad ninyong mag-asawa, (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, tama ang mister mo, higit na  papalarin ang inyong pamilya sa pagnenegosyo kaysa sa pag-aabroad.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Nine of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta’t nagmamahalan ang buong pamilya at magsisimula na kayo ngayon sa binabalak ninyong negsoyo, tiyak ang magaganap, paglipas ng siyam na buwan, maunlad na maunlad na ang itatayo nyong negosyo.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending