Lumampas na sa P400 million mark ang kinita ng “The Amazing Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda, huh!
Ayon sa datos, umabot na sa mahigit P700 million ang kinita ng lahat ng pelikula sa MMFF this year as of Jan. 1. At malamang na umabot pa sa P800 million ito hanggang noong Jan. 7 na siyang huling araw ng MMFF.
Ilang MMFF entries naman ang nananatili pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan sa Metro Manila dahil marami pa rin ang nanonood.
Imagine, kalahati ng total amount ng kinita sa MMFF ay galing sa movie nina Direk Wenn, Vice Ganda, Bimby, Alex Gonzaga at Richard Yap, huh!
MOST READ
LATEST STORIES